Paunawa
Magrehistro bilang isang Botante
Ikaw ay karapat-dapat na mairehistro bilang isang botante kung ikaw:
-
ay edad 18 o pataas;
-
ay isang permanenteng residente ng Hong Kong; at
-
karaniwang naninirahan sa Hong Kong.
Ang mga huling araw ng aplikasyon
Bagong pagpaparehistro: 2 Hunyo bawat taon
Ipagbigay-alam ang pagbabago sa mga detalye: 2 Hunyo bawat taon
(Kinakailangan ang mga katibayan ng adres kapag nagsumite ang mga indibidwal ng kanilang mga aplikasyon para sa bagong pagpaparehistro o mga aplikasyon para sa pagbabago sa rehistradong tirahan maliban sa mga awtorisadong nakatira sa pampublikong paupahang pabahay sa ilalim ng Kagawaran ng Pabahay o mga rehistradong residente sa pag-upa ng pabahay na may ayuda sa ilalim ng Kapisanan ng Pabahay sa Hong Kong at na ang adres sa talaan ng mga umuupa ay tumutugma sa mga adres ng tirahan na ibinigay nila.)
Tingnan ang kinakailangan sa Pagpapatunay ng Tirahan:
www.reo.gov.hk/en/voter/ap.htm
Ang mga form ng aplikasyon ay makukuha sa:
Mga Sentro ng Serbisyong Suporta para sa mga Etniko Minorya
-
HOPE Centre (Wanchai)
-
CHEER Centre (Kwun Tong)
-
HOME Centre (Yau Tsim Mong)
-
HOME Sub-centre (Sham Shui Po)
-
DREAM Centre (Kowloon City)
-
LINK Centre (Kwai Tsing)
-
ONE Centre (Tuen Mun)
-
YLTH Centre (Yuen Long)
-
TOUCH Sub-centre (Tung Chung)
-
IDEA Centre (Sha Tin)
Mga Tanggapan ng Pamahalaan at Iba pa
-
Tanggapan ng Pagpaparehistro at Halalan (REO)
-
Mga Tanggapan ng Distrito at pamamahala ng mga pampublikong pabahay
-
Ang mga form ng aplikasyon ay maaari din ma-download mula sa websayt ng pagpaparehistro ng botante (vr.gov.hk).
Pagsusumite ng mga Form
Ang mga nakompleto at napirmahang form ng aplikasyon ay maaaring ipadala sa REO:
(1) sa koreo (address: 29/F, Standard Chartered Tower, Millennium City 1, 388 Kwun Tong Road, Kwun Tong, Kowloon);
(2) sa fax (numero ng fax: 2891 1180);
(3) sa email (address ng email: form@reo.gov.hk); o
(4) sa pag-upload ng na-iscan na kopya at pagpapatunay ng tirahan sa Online na Plataporma sa Pag-upload ng Tanggapan ng Pagpaparehistro at Halalan (www.reo-form.gov.hk)
Ang mga taong karapat-dapat ay maaari ring magsumite ng mga aplikasyon para sa bagong rehistrasyon bilang mga heograpikal na manghahalal sa konstituensya sa pamamagitan ng paggamit ng 'iAM Smart+' sa pamamagitan ng 'iAM Smart' mobile App (www.reo.gov.hk/video/voter/GCVRguide-EN.mp4) o online na plataporma (https://eform.cefs.gov.hk/form/vre001/en/).
Ang mga botante ay dapat magbigay ng totoo at tumpak na impormasyon. Ito ay isang pagkakasala ng isang tao sa ilalim ng Mga Regulasyon ng Komisyon sa Mga Gawain Pang-halalan (Electoral Affairs Commission Regulations) na sadyang o walang ingat na magbigay ng mali o mapanlinlang na impormasyon para sa pagpaparehistro ng botante (halimbawa. di-totoong address ng tirahan) sa Tanggapan ng Pagpaparehistro at Halalan, at kung ang tao ay pagkatapos bumoto sa isang halalan, lalabag din siya sa mga Ordinansa ng (Tiwali at Ilegal na Pag-uugali) Halalan (Cap. 554).
Mga Katanungan
Kung hindi ka nakapagsasalita ng parehong Tsino at Ingles at nais magtanong sa REO tungkol sa mga bagay na kaugnay sa pagpaparehistro ng isang botante, ikaw ay maaaring humingi ng tulong mula sa CHEER na nagbibigay ng walang bayad na serbisyong pang interpretasyon sa telepono. Ikaw ay maaaring humiling sa tagasaling-wika mula sa CHEER na magsagawa ng pakikipag-usap sa telepono kasama ang opisyal ng REO sa pamamagitan ng pagtawag sa hotline ng katanungan sa REO (2891 1001) sa mga oras ng opisina ng REO mula 8:45 a.m. hanggang 6 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes (maliban sa mga pampublikong holiday). Kapag ang pakikipag-usap sa telepono ay konektado na, ikaw ay maaaring magsalita nang direkta sa opisyal ng REO sa pamamagitan ng tagasaling-wika ng CHEER.
Mga numero ng hotline ng CHEER ay ang mga sumusunod:
Bahasa Indonesia 3755 6811
Nepali 3755 6822
Urdu 3755 6833
Punjabi 3755 6844
Tagalog 3755 6855
Thai 3755 6866
Hindi 3755 6877
Vietnamese 3755 6888