top of page
sunweb logo.jpg
alipay1.jpg

Ilang pindot lang sa phone ay naipadala na ni Cherry Anne ang perang kaiiangan ng pamilya. Ilang segundo pa ay nakuha na ang pera, at libre ang serbisyo.

Malaking tulong sa mga OFW

Kailangang magtrabaho sa day off ni Cherry Anne dahil may bisita ang kanyang amo, nang tumawag ang anak niyang panganay. Nahulog daw sa bisikleta ang bunso nitong kapatid at napilay ang isang braso. Nasa duktor na sila at kailangan nila ng pambayad. Pero walang malapit na remittance center sa lugar niya, at kung pupunta siya sa Central ay baka gabihin na siya at sarado na ang bangkong suki niya.

 

Si Vickie N. naman ay kadarating lang sa Repulse Bay beach upang katagpuin ang mga kaibigan nang makatanggap ng tawag sa kanyang asawa. Kailangan daw niya ng P10,000 na pambili ng binhi at iba pang gamit para tamnan ng kamatis ang kanilang sakahang kalahating ektarya. Kung pupunta siya sa Central, masasayang ang isang araw na pahinga na matagal nang naplano nila ng mga kaibigan. Pero kung mag-enjoy na lang muna siya sa beach, baka sarado na ang remittance center pag dating niya sa Central at makakapagremit lang siya sa susunod niyang day off. Kung magkaganoon, lipas na ang tamang panahon upang magtanim ng kamatis sa kanila.

 

Mabuti na lang at gumagamit ng AlipayHK sina Cherry Anne at Vickie.

 

Sa AlipayHK, hindi na nila kailangang lumayo upang magpadala ng pera sa pamilya, hindi gaya ng maraming OFW na kailangan pang magpunta sa Central, pumila nang ilang oras sa mga remittance center, mag fill up ng form tuwing magre-remit at mag-commute papunta at pabalik sa kanilang pinagtatrabahuan.

alipay3.jpg

Sa AlipayHK, hindi na kailangang makipagsiksikan sa Central upang mag-remit.

Para sa kanila, ginawang madali at mabilis ang pag-remit sa AlipayHK. Kailangan lang nilang ilabas ang kanilang mobile phone, buksan ang  AlipayHK app at, sa ilang pindot lang, magagawa nila sa ilang segundo ang inaabot ng halos kalahating araw para tugunan ang pangangailangang pinansiyal ng kanilang pamilya.

Ang AlipayHK ay parang isang wallet na nasa loob ng telepono, pero pinahusay ng bagong teknolohiya.

Natanggap ng anak ni Cherry Anne ang perang padala niya sa loob lamang ng ilang segundo dahil pina-deretso niya ito sa G-Cash ng telepono nito. Hindi lang mas mataas ang palitan ng piso dito, wala ring binayaran si Cherry Anne dahil libre ang serbisyo.

Si Vickie naman ay nagbayad ng $15 remittance fee dahil pinili niyang idaan ito sa bangko, dahil may account ang asawa niya sa branch nito sa kanilang bayan sa Pangasinan. Hindi niya inalintana ang bayad na ito, dahil mababawi naman niya ito sa AlipayHK sa ibang paraan.

Bukod dito, di hamak na mas mababa ang singil sa serbisyo kesa kung pupunta siya sa Central, pipila sa banko at magbayad ng $20 na remitance fee, at gumugol pa sa pamasahe dahil nakatira siya sa Sai Kung.

Kinabukasan ay natanggap ang padala ni Vickie. Alam niya na sa parehong halaga, sa 15 minuto lang ay pwede nang kunin ng asawa niya ang pera kung idinaan niya ito sa Cebuana o Palawan. Pero ginusto ni Vickie ang bangko, dahil katapat lang ng bahay nila ang branch nito.

Sina Cherry Anne at Vickie ay dalawa lang sa 2.7 million na taga Hong Kong na gumagamit ng AlipayHK hindi lang para mag-remit kundi para na rin pambayad sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan, gaya ng  pagbili-bili sa mga tindahang gaya ng 7-Eleven, Cirtcle K at iba pa.

alipay2.jpg

Ang AlipayHK ang kauna-unahang e-wallet na tinanggap sa MTR at iba pang sasakyang pampubliko.

Ang EasyGo feature ng AlipayHK ay nagagamit ring pambayad sa MTR, Bus, Minibus at Ferry. Katunayan, ito ang ginamit ni Vickie sa pamasahe niya papuntang beach. Gaya ng lahat ng baguhan sa AlipayHK, nakatanggap siya ng $8 na EasyGo Experience Reward sa unang paggamit niya ng EasyGo.

Pagkatapos gumamit ng EasyGo, nakatanggap din siya ng merchant coupon na nagamit niya sa mga convenience store, gaya ng $3 off sa pagbili ng Chicken Leg and discounted na presyong $3 sa Vita No Sugar Tea 500ml (Original Price: $8) sa Circle-K at marami pang iba.

Samantala, nakatatanggap rin si Vickie ng $5 remittance coupon sa bawa’t kaibigan na mai-refer niya para gumamit ng EasyGo, at pwedeng umabot sa $5,000 ang gantimpalang ito.

Sa katunayan, habang ginagamit niya ang Alipay HK, dumarami rin ang mga natatanggap niyang merchant coupon na magagamit sa pagbili sa mga kasaling tindahan, at AlipayHK e-stamp na pwedeng ipunin hanggang umabot sa $272 na pwedeng pambili ng iba’t ibang produkto sa buwang ito.

Kung gumagamit sila ng AlipayHK, ang mga OFW ay pwede ring bayaran ng kanilang suweldo dito kahit walang AlipayHK ang kanilang amo. Pwede kasing gamitin ng amo ang Faster Payment System (FPS) ng kanilang bank account upang maglipat ng pera.

Bumisita sa AlipayHK para malaman ang iba pang impormasyon sa remittance service at mga offer sa EasyGo: https://www.alipayhk.com/en/remittance/

bottom of page